Saturday, December 24, 2011

Day Before Christmas Day

yeheeey!!! naopen ko ulit ang aking blogspot :D hahaha updating blogs po tau :D

were going to manila tonight to celebrate christmas with my family yes i know wala kaming christmas ng husband ko pero who cares :) the spirit of christmas is to be with your family naman eh :) kaya im going home :) see yah daddudz

Sunday, February 20, 2011

Dahil minsan lang akong naging bata, Ikaw ay Babies of the 80's or 90's kung natatandaan mo ito..


kung ganun ano-anong mga natatandaan mo??

Medyo mahaba ang blog na ito pero worth it naman if babasahin..

*kumakain ka ba ng aratilis?
*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

*marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?

*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?

*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right,a, b, a, b, start?

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng BENCH na damit eh naalala mo si Richard Gomez?

*addict ka sa RAINBOW BRITE, CAREBEARS, MY LITTLE PONY, THUNDERCATS, BIOMAN, VOLTES V, MAZINGER Z, DAIMOS, HE-MAN at marami pang cartoons na hindi pa translated sa
tagalog?

*for the boys, nanonood ka ng SHAIDER kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya?

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?

*inaabangan mo lagi ang SESAME STREET, ELECTRIC COMPANY at BATIBOT at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna...

* Yung high school ka inaabangan mo lagi BEVERLY HILLS 90210?

*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?

*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?

*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls? e si luning-ning at luging-ging?

*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?

*idol mo si McGyver at nanonood kang Perfect Strangers?

*eto malupet... six digits! lang ba ang phone number nyo dati?

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bente-singko lang ang dala

*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?

*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?

*alam mo ang kantang "gloria labandera"..lumusong siya sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe?

*sosyal ka pag may PLAY-DOH ka at LEGO... at nag-iipon ka ng G.I.Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?

*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong... diba naninipit yun?

*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and syempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?

*meron kang kabisadong kanta ni ANDREW E. na alam mo hanggang ngayon.. aminin?

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?

*bumibili ka ng TARZAN, TEXAS at BAZOOKA bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?

*kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang porno as BOLD?

*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARSOLD...

KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 23-25 KA...

WAG KA NA MAG DENY… TUMAWA KA NA LANG...

yung yo-yo na free sa coke? ...

And yung pinagsama-samang aluminun na lata ng softdrinks para gawing canyon kada new year?

Naglaro ka ba ng text na ang comic picture ay sina zuma, panday etc.?

Yung favorite mong tv series na "Ang Manok si San Pedro"? kilala mo pa ba si teban, Mokong at Petra?

Sikat pa noon si Chiquito bilang Mang Kepweng. eh si Weng-weng naaalala mo pa ba? siya yung small version ni Agent X44.

Pacman pa ang sikat sa mga video games. uso pa noon yung aarkila ka ng Game & watch sa mga di tulak na kariton na pumupunta tuwing labasan sa school.

.25cents lang ang kada piraso ng fishball (yung maliit).

nagsuot ka ba ng legwarmers?

Todo hataw ka sa sayaw sa mga sayawan sa baketball court tuwing pinapatugtug ang "Rumors" at Jealousy".

Heto malupit, Naglagay ba kayo ng Blue film sa TV nyo na may wooden cover pa? At pag nasira ang dial ng channel gagamitan mo ng pliers?

- nalala nyo ba ung segment sa radyo ang title "isang gabi ng lagim...ahoooooo!!!!...grabe..takot na takot ako dun.. tas pati segment ni "kuya cesar"? yung mabagal magsalita? dont know if meron pa xa hanggang ngayon?

- eh ung tatching? nagiipon ng bote ng coke & kahit anong takip ng bote na lata tas binabato ng pirasong bato...

-eh ung tamagochi? ung vitual pet na pinapakain mo..nililinisan..as todo yung pagaalaga hanggang sa lumaki xa..at namatay dahil sa uu at hindi napakain at napabayaan...

- tas yung pagcollect ng mga keychain like tazmania, pooh, tweety bird, hello kitty, etc..

- hmmmm...sinong favorite mo sa Sailor Moon?

- Yung popcorn at LOBO sa LUNETA tuwing linggo

- Game & watch na Popeye at si Mickey Mouse na sumasalo ng itlog

- Nanonood din ba kayo kay ATE HELEN at kay KUYA EDDIE.

- Anong favorite tv series nyo? C.H.I.P.S.,MIAMI VICE, THE A-TEAM, MCGYVER...Naaalala nyo ba si LEE MAJORS na bida ng 6-million dollar man?

*Si Julie Vega sa pelikulang "Mga mata ni anghelita" na namatay sa maagang edad na dinumog ng sambayanang pilipino.

*Si Matet De Leon sa pelikulang "Halimaw sa Banga" na may dialog na "Takot ako eh" ngayon eh may asawa na at lalong lumalapad ang noo na pag nag drawing ka ng mata sa noo pwede pang isang mukha dba?. hehehe..joke

*Si Aiza seguerra na cute little girl noon ngayon dahil sa pag-aalaga nina Tito,Vic at Joey Eto isa na syang Kuya.

* Si Jp na isa rin na magaling na child actor lalo na sa iyakan madadala ka pero mukhang sya ang nadala ni...

* RR herrera na isa ring nag simula sa Eat Bulaga. dahil ngayon ang dalawa eh mag-ka-live in na as in mag-kasama sa bahay ang taray mag asawa sino kaya ang tatay at sino ang nanay? ahhhh.. ewan mga ate uso na ngayon yan M2M.

* Si Manilyn Reynes na kumanta ng Sayang na sayang lang hayun maagang nag asawa at na sayang ang career ngayon ang naipon wala na ibinenta na yung bahay sa Tagaytay na kay ganda ganda.

Heto pa yung ibang mga artista:

Si Rene requestas sa pelikulang Tarzan with Joey De Leon. Yung kumanta ng Eh kasi bata na ilang taon lang laos na. Si Lady Dyan na laging nakatakip yung buhok sa mata dahil kirat din na kumanta ng "Sa Dami" alala mo. at madami pa iba.

Sa Pilipno Commercial naabutan nyo pa ba yung sabong pang laba yung "Ola". yung Pepsodent na lasang bubble Gum sabi Ernie Mercado. Palmolive soap "I can feel it" with Alice D. Eh yung Dragon Katol na "Lamok ay laging tepok". Pamada na pam-pakintab ng buhok. Rambo slippers na makapal noong bata ka di ka sikat pag wala ka nito. grabeee... dami pa! pero nakakatuwang sariwain ang nakaraan parang mas masaya pa noon diba? Aminin nyo! simpleng buhay napaka-ganda walang gaanong Luho mura lahat bilihin and i think most na nakabot ng buhay na ito succesfull o may paninindigan sa buhay dahil sanay sa hirap at walang gaanong naging luho noong kabatan nila dba? ngayon ibang-iba na ni respeto sa mga magulang nawawala na. na agos na ng maka-bagong mundo.

Pey said Simple lang mga laruan ...

Simple lang mga laruan noon, bilugin mo lang ang isang parte ng nabasag na paso pwede mo na gamitin pamato sa piko.

Naglaro ka ba ng "monkey -monkey ananbelle" okaya "langit lupa impyerno" (saulado ko pa yun..hehehe)?

Nanonood ka ba ng "Lunch date" nina randy santiago noon okaya yung "SST"?

Sina Carmi Martin at shiela israel pa ang pantasya ng bayan nun.

Naaalala mo pa ba ng movie ni Dennis De silva na "ninja kids" kasama sina JC bonin?

yung Eat bulaga nasa channel 9 pa tapos inilipat sa 13 then channel 2 ngayon 7 na.

Voltron sinubaybayan mo ba? nung una 5 lions lang sila hangang naging marami sila at naging complicado.

Every weekend nanonood ako ng Astroboy at richie rich, tuwang tuwa ako pag nirerescue ni irona si ricthie lagi.

tuwing sunday naiinis ako kasi ang palabas sa TV pag umaga mga chinese movies at tv series.

Natuwa ka ba sa prime time show na "Wok with Yan"? mukhang masasarap kasi niluluto dun.

basta ako noong bata ako hilig ako umakyat alateris
saka mag laro nga goma, tansan, balat ng candy, balatng cigarillyo,
taguan hagaran base, talonan sa tsinelas, tumbangpreso,
text yung maliliit (pamato ko zimatar hehehe), paintero,
basketball na maliit na bola ska pool
minsan trip magbenta ng bicho bicho, minsan

cinali pa ako sa boxing iyak ako hehhee,
ska lagi napapalo ng walis ng nanan ko

sa mga palabas naman star rainger, voltes V,
dimos, sesamis street, batibot c kuya bogie hehehe

ska takot na takot ako kay PILENG gumaganap na
bangkay noon sa kay chickito na horror Estong tutong heheeh

Darna gusto ko doon yung may mga
higante si ike losada sexy ni ate vi,

sa comedy naman cla TVJ ikul bukol ska TODAS,
going bananas, john n marsia, bistek 2+2)

bagets, Ninja kids (unang panood ko sa cinehan sam ko maid namin fans kasi nila dennis de silva sk JC bonin) yung iba limot kona.

sa foreign yung mini series na the A team ska night rider

sarap balikan nakaraan la masyado problema
problema ko lang kung pano pumorma sa crush ko
kasi ligaw tingin lang ako hehehe

Monday - Mekanda Robot

Tuesday - Daimos (Richard!!!! .......Erika!!!!)

Wednesday - Mazinger Z

Thursday - Grendaizer

Friday - Voltes V (paborito ng lahat!)

Saturday - Star Rangers

Sunday - patay ang TV kasi nasa simbahan

Syempre ang team song ng lahat ng batang naglalaro sa kalye.....

"Tender, juicy, tasty...... just right to the bite..... it's the PureFoods Hotdog!"

Superwheel ni silvia la torre

Pepsodent ni orly mercado

Colgate ni eric beinz

7up ni fido dido

Coney Island ice cream sa likod ng Unimart una kang nakatikim ng waffle cone, at Eskimo Roll.

Gift Gate: Lego, Hello Kitty at Sanrio, Matchbox Cars at Stationery.

Unang bukas ng McDonalds sa Greenhills: aliw ka sa drive-thru at sa playground.

Maggie Noodles Promo: Futuristic car racing stickerboard. Yung mga sticker ng mga cars nasa loob ng pack ng noodles. Tapos dinidikit mo sa sticker board na raceway na makikita mo sa gitnang fold out page ng Panorama Magazine.

Milo Promo: Wild West plastic toys. Nakukuha mo yung plastic toys sa loob ng Milo cans. Mga cowboys at indians. Pati mga olympic stand up toys often called Tautauhan.

Flying Tee: Simple plastic propeller + stick assembly na pinapalipad mo by sliding your palms. Nakukuha mo sa cheese snacks na usually nabibili sa mga vendor sa labas ng eskwela.

UFO Space Helmet: Nabibili mo sa Greenhills o sa Divisoria. Comes with a set of stickers na circle with numbers printed on them na dinidikit mo sa harap, sa taas ng visor. May dalawang antenna on each side. Isang beses nagka malaking parade ang Coca Cola sa Greenhills at yung mga naka space costume at rollerskates suot-suot nila itong helmet na to.

Plastic Sword Toy: Nabibili sa mga palengke. Yung gold and handle tapos may red na plastic gem sa end ng gold handle, meron pa kasamang black na plastic case na kasing haba ng sword.

Star Rangers: Pinaka unang ranger series na imported from Japan. Laging pinag-aawayan kung sino ang magiging Star 1 (Red Ranger) pag-naglalaro.

Maraming may Voltes V na laruan. Yung kapitbahay mo na may-ari ng hardware na mayaman merong Daimos na binili sa Hong Kong. Pero yung tisoy na sikat sa school may Gendizer! Kumpleto pati yung UFO! Nilalabas lang niya bawat recess time o uwian para hindi ma-confiscate ng teacher.

Kung babae ka, lagi kang naiiyak sa Candy Candy. Kung lalake ka, ayaw mong ipaalam sa mga classmate mo na pinapanuod mo yun.

Nuong unang bisita mo sa Camp John Hay sa Baguio, aliw ka sa vending machines na may Fanta (in cans!), mini-golf, at PX Goods na grocery. Feeling mo nasa states ka dahil rin malamig!

Ang unang Coke in cans hinihila mo yung tab para humiwalay sa can, pero minsan nakaka-sugat kayat dahan dahan mong iniinom.

Si Lolo at si Lola laging may reserbang lata ng Sky Flakes o Sunflower crackers.

Nuong field trip mo sa Goya Fun Factory ang una mong hinanap ay yung chocolate stream kasi nakita mo sa commercial.

Popular T-shirt designs na embossed at puffy: Star Rangers, Watari The Wonder Boy, Voltes V, Daimos, Superman, at Batman.

RC Racetrack sa may parking lot ng Unimart: kung saan nag-kakarera ang mga gas powered na RC, usually Formula 1 cars, at amoy gas pag nanunuod ka sa tabi. Ginawang Mini-Golf (Par 44) na may dinosaur nuong late 80s.

Pinag-susuot ka ng corduroy na pantalon.

Minsan nalilito ka sa schedule ng GMA 7. Excited ka manuod ng Voltes V pero ang palabas ay Kapwa Ko Mahal Ko na ang host si Orly Mercado. Ang sponsor ng Voltes V ay Purefoods at Square Fruit Chews candy na gawa ng Sugus. Yun ang mga logo sa Voltes V coloring books.

Natatawa ka sa matabang intsik na bata na nakasuot ng chef uniform sa commercial ng Marca Pina. “Pina asim!”

Curious ka sa lasa ng Lipovitan.

Paminsan-minsan may baon kang Yakult sa lunchbox mo.

Aliw ka sa rainbow colors ng Fruit Stripe chewing gum, yung may cartoon na zeebra sa package, pero mahal. Kaya bumibili ka sa sari-sari store ng Big Boy bubble gum. (Red/orange at yellow ang papel na wrapper).

Kinukulekta mo ang tansan ng softdrinks para sa Superhero board game na larong dama.

Aluminum tube pa ang mga toothpaste noon, at napaka-futuristic ang dating ng unang labas ng Pepsodent dahil plastic ang tube.

Mas mukhang masarap ang itsura ng Hubbard Chicken commercial kaysa sa Magnolia Chicken.

Meron pa noon Beef Curlz ang Jack & Jill snacks. Ang Chippy nabibili din sa canisters. Hindi lang Chocolate Pretzels ang meron kundi yung plain sugar na pretzel sticks.

Piso lang ang isang maliit na bowl ng Taho. Pag malaking bowl, binabayad mo 5 pesos, yung green na 5 pesos. Maraming taho yun at kasya sa buong pamilya pang meryenda.

Ang Sunkist Juice ay nabibili sa triangle na tetra-pack. May papel na selyo na peel-off bago mo saksakan ng straw.

Merong Daisy brand na milk. May plain, chocolate, tapos yung pink ay strawberry flavor.

Pagandahan ng pencil box sa school. Ibat ibang mga design, pero ang pinaka maganda ay yung super pencil box na dual layer na folding, na maraming compartments. May pop-out na pencil sharpener, sliding ruler, at special compartment para sa eraser.

Uso sa school ang Bensia Space Pencil. Transparent ang casing na iba ibang kulay at parang bala yung mga pencil tips na pinapasok sa end ng pencil. Sabi sa iyo ng mga classmate mo na yung pwit ng pencil ay pwedeng eraser, pero hindi naman totoo dahil plastic lang yun!

Mga ballpen na gamit natin sa school: Kilometrico ("I write thousands and thousands of words."), Haba Haba Ballpen (“...writes long!”), Escribo, at Scribbler Footlong ballpen na sumikat matapos ginamit sa Bagets. Pag-nakatanggap ka ng sulat sa crush mo at mabango, ibig sabihin Funny Friends ang ginamit niya.

Paramihan ng stickers, pencils, at erasers.

Paramihan ng Tex Cards! Sikat ang Zuma na Tex at comics.

Questor Magazine Book: Featuring Voltes V, Daimos, Mekanda Robot, Grendizer, Getta Robot, at Mazinger Z. Smooth hi-grade paper at napaka-gandang illustrations.

Lagi mong pinapatugtog sa record player mo: Super Robots na LP, Nail Clippers, o VST & Company.

Kahit saan ka pumunta pinapatugtog ang BeeGees.

Russel Yoyo craze na pakulo ng Coca Cola! Coke (red/white), Royal (all orange), Sprite (green/white), Mellow Yellow (yellow/white), Super Spinner (Coca Cola face/transparent sides). Pinag-ipunan mo para bumili ng super spinner, pero nalaman mo na madaling maputol ang string pag-ginagawa mo ang “walking the dog” trick. Pupunta ka sa sari-sari store para bumili ng bagong yoyo string, at hinihintay mo mapanuod ang yoyo contest sa Student Canteen.

Pag-gumising ka ng maaga at nakatutok ang mga katulong sa AM Radio (DZRH Radio Balita) at umuulan ng malakas, ibig sabihin bumabagyo at walang pasok.

Similar ang amoy ng bagong notebook at mongol pencil sa amoy ng ulan. Pero ang totoo, naiisip mo lang yun dahil tag-ulan pag umpisa ng pasukan.




Saturday, February 19, 2011

February

Yes, ang tagal ko ndi nag update ng blog.. daming ng yari
February 14 12mid nyt nag date kami ng husband ko sa mc donald regalado.. haha yan ang first valentine's day nmin as mr and mrs. syempre wala kaming choice kundi tumakas kaya sa pinakamalapit na kainan lang kami nag celebrate, kinabukasan kumain ulit kami sa labas.. sa Oki Oki para nmn makasabay sa mga nag ce- celebrate :D kami na matakaw kasi mahilig tlga kaming mag foodtrip..

This past few days, lagi akong feeling down pero ok na ako ngayon salamat sa help ng family ko at ng husband ko :)..

madami akong bagay na ndi naipag papasalamat pero now natututo na ako ma appreciate lahat salamat sa husband ko na ndi man nakikinig :)) nakaka dagdag / bawas din sya ng stress ko :D

enjoy your day

Sunday, February 6, 2011

3rd day sa gym

Sobrang sakit ng katawan ko kanina pag uwi ko galing fitness, yes! as usual binogbog n nmn ako ng trainor ko, maalala ko nga palang wala pa akong lunch kanina pag punta ko gym :)) siguro nag muscle strain tlga ako kasi walang makuhang energy sakin =)) ayun ang sakit ng mga braso binti at hita ko pati talampakan ko masakin, at ang masama pa non :)) kumain ako 3slice ng pizza pag dating ko OHA!! reward ko un sa sarili ko :)) since wala akong lunch

Friday, February 4, 2011

after the workout

owkie yesterday was my first day sa fitnessfirst @_@ at tlga nmng napagod ako sa mga pinagawa ng instructor, ito ako ngayon masakit ang mga muscles at joints pero nag enjoy ako :D hahaha bukas ulit meron ako session 2pm @_@ ndi ko kayang mag avail ng trainor kasi sobrang mahal kaya mag exercise lang ako on my own or sa mga group activity :D para free hahaha owkie lunchmuna ako gutom na ako

Tuesday, February 1, 2011

February 1st :D

Start February right,

well yehey im a fitness first member na, i wanted to regain my old figure this why i wanted to enroll in there program sana maging successfull ang 4months training :D wag sana akong tamarin *crossfingers*

Friday, January 28, 2011

Thank you "Josefina Gabito Pring" Lola pining

For all the love and for sharing your life with us! thank you so much, dahil sayo naging mabuting tao ako, salamat sa pag gabay mo samin, pasensya na kung nag kulang ako bilang apo sayo, salamat sa pag aalaga mo saming mag kakapatid pati na din ang pag patnubay mo sa papa ko nung binata pad sya, La! madaming bagay na meron ako ngayon utang ko sayo =) salamat sa lahat lahat ma mimiss kita ikaw ang pinaka paborito kong lola sorry kung ndi ako nakapag paalam mahal na mahal kita

Saturday, January 22, 2011

Late Blogging =D

dami kong late blogs hahay sobrang natambakan ako pero unahin ko na dito sa pinaka luma na nakita ko ulit sa internet nabasa ko to year 2004 pa :D pero sobrang ok naman sya kaya ito sya

( i read this article from another website few years back i don't own it)

Ang Puno’t Dulo ng Pag-ibig

Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin.

Ang labo di ba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba talaga?!

May kaibigan ako, sabi niya dati “Love is only for stupid people.” Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya.

Ang matitigas, lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama’y malambot.)

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na “Ayoko na ma-inlove!” biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo? Pero ‘pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. “Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!” “Ang sarap mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now na!”

At hindi lang ‘yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos ‘pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! “Bakit niya ‘ko sinaktan?” May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto.

Hayop talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa ‘pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ‘ko.

Pero wala pa rin akong alam.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?

Nakakaiyak

Late Blogging =D

dami kong late blogs hahay sobrang natambakan ako pero unahin ko na dito sa pinaka luma na nakita ko ulit sa internet nabasa ko to year 2004 pa :D pero sobrang ok naman sya kaya ito sya

( i read this article from another website few years back i don't own it)

Ang Puno’t Dulo ng Pag-ibig

Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin.

Ang labo di ba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba talaga?!

May kaibigan ako, sabi niya dati “Love is only for stupid people.” Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya.

Ang matitigas, lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama’y malambot.)

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na “Ayoko na ma-inlove!” biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo? Pero ‘pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. “Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!” “Ang sarap mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now na!”

At hindi lang ‘yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos ‘pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! “Bakit niya ‘ko sinaktan?” May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto.

Hayop talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa ‘pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ‘ko.

Pero wala pa rin akong alam.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?

Nakakaiyak

Friday, January 14, 2011

Ang bigat ng PC

kahapon nag punta kami ng sm to pickup ung mga parts na binili namin, from pc hub yehey buo na namin ung pc ng asawa ko, ang problema ay ang pag aassemble dahil bawat part ay mabigat, specially yung cougar na psu grrrr nakakainis bit bitin eh, and ung antec lanboy air na case nya bumagsak pa sa daliri ko sa paa ang sakit kaya try mo :)), nag start kami ng pag buo aroung 5pm :D eh kailangan ko pang pumunta ng shop dahil madami din akong gagawin at mag rereformat ako ng pc ng player ko :D so ayun nag punta ako ng shop.. pag uwi ko ng bahay around 11:30 ayun nag aayus pdin sya ng pc :D natapos kami ng mga 1am na ata pero maganda ang kinalabasan, wala nga lang syang mouse kaya kanina pag gising ko walang hilamos at suklay binilan ko sya ng mouse :D at request nyang beef hotdog

Thursday, January 13, 2011

Taking care the business

Hello,
galing ako sa ggnet kanina, nag linis ako dun ng konti at nag asikaso din ng mga players ko dun, nag picture taking din ako para sa ilalagay ko sa ggnet boards :D excited na ako ma ipost lahat ng mga muka nila sa boards, nag lagay na din ako ng announcement for the swimming this comming april :D, excited na ako makita ang magiging performance ng shop pag nag open yung dalawang shop na katabi ko, ung isa kasi dun sa dalawang shop na mag bubukas ay tlgang sobrang laki :'( sad pag asa ko nlng ang mga regulars ko sa shop

Tuesday, January 11, 2011

1-11-11



Good Pm,
Galing kami sa Cardinal Santos Memorial Hospital kanina, to have a followup checkup sa husband ko, nag kasakit kasi sya ng tb of the bone, ang theory nmin is dahil sa environment ng
computershop nmin, well, sabi ng doctor, ok na daw sya pwede na daw sya ulit mag lakad lakad at pde na din daw sya magdrive, after greenhills, nag punta nmn kami ng retiro to buy

ASUS RAMPAGE III Formula
at Tri Chanel Memory na g.skill,

para sa bago nming binubuong pc, kahapon galing din ako sa SM, para bumili ng ibang parts, i'll post some pictures..

Galing din ako sa GGnet, na pag katuwaan ko kasi na lagyan na ng Message board sa shop, for the announcement and sa mga pictures na din ng mga players ko dun, konting gimik na din :D dami na kasi nag tatayuang computershop na malapit sa shop nmin ng asawa ko, ung isa katabing katabi lang ng shop nmin at yung isa naman na mas malaki, 2 houses away lang, sana nga maging successful pdin ang shop kahit madami na nag bukas na bago, well i pose tomorrow ung picture ng message board pag natapos ko na :D ndi ko pa kasi sya sinisimulan till now :D

Saturday, January 8, 2011

Happy birthday bapa Geroge

galing kami kahapon sa doctor ng husband ko, sabi nya ay medyo gumaganda na daw ang kalagayan nya, masaya kaming dalawa at nag celebrate kumain kami sa fridays... walang pictures kasi wala akong dalang camera hahaha.. ibinalik ko kasi ung slr ko, any ways, nung gabi na nag karon kami ng ndi pag kakaintindihan na nauwi sa umiyak ako hangang madaling araw, sinira nya ang keyboard ng pc kong bagong bago., pag gising ko kanina, magang magang maga na naman ang mata ko, untill now maga padin, hindi pdin maganda ang pakiramdam ko, ito nag lalaro na kami ng final fanatsy ulit at ok na kami ulit dalawa ... Birthday din pala ng Bapa namin si Bapa George *tito george*

Ikaw kamusta ang maghapon mo?

Thursday, January 6, 2011

6th day of the year

Galing kami ng kidney center kanina, nag pa cbc ang husband ko, kasi bukas may followup checkup sya sa infectious doctor, and meron din ako followup sa ob ko. masama ang pakiramdam ko ngayon inuubot sipon ako, hindi ko alam kung sipon to or sinuses lang. Bukas pupunta ako ng shop titignan ko din ung pwesto na lilipatan nmin, yung camera ko nsa photoline pdin bukas ko din yun kukunin :-( hay ang lungkot ko nmn kasi galit sakin asawa ko dahil wala daw ako kaintires interes sa nilalaro nya, eh pano gusto nya na mag adik din ako dun sa laro kagaya nya, gusto ko nmn tamang laro lang ako.. oh sya kamusta ang maghapon mo?

Goodnight

Wednesday, January 5, 2011

4th day of the year

Nag pa confine ako sa Dr. Jesus Delgado Memorial Hospital, kahapon ng morning, *January 4, 2011*.
Kasi naka sched ako for raspa, yes! na raspa ako agad ng ndi pa ako nag kaka baby, kasi po ung monthly period ko eh sobrang tagal na naman umabot n nmn sya ng 11daysm kahit nag pipills ako, any ways, ok nmn ang procedure pag dating ng OB ko dun sa loob ng delivery room sinabihan lang nya ako na "Sin wag mo na labanan yung antok ha", as in sobrang sakit nung gamot na tinurok kasabay nung iv ko pang 2nd na injection, nakatulog nmn ako agad, nung nagising ako sa recovery room kala ko nga nsa gitna pa ako ng procedure magigising haha, sa ward ako natulog semi private pero dalawa kami dun sa room, ung ksma ko sa ward pucha mag hilik kala mo lalake nakaasasiwa pero ok lng nmn kasi may effect pa ung tinurok sakin sa OR kaya mejo ndi ko din sya napansin, na storbo lang tlga kapatid ko kasi ndi sya nakatulog. medyo tlagang pag dating dito sa bahay eh antok na antok tlga ako, pero dahil nangako ako sa asawa ko nag mag lalaro kami ng final fantasy eh, mag hapon ako ngayong nag laro @_@ no choice but kailangan ko sya pag bigyan any ways :D goodnight po

Tuesday, January 4, 2011

First Date in January

Nag punta ako ng ob kanina, sa sobrang tagal nmin ang antay ginutom ang asawa ko
nag aya sya kumain sa trinoma at sakto nmn na meron akong gift certificate ng bistro
kumain kami sa fish and co.


Perry Perry Shirmp

Best fish and chips in town

Muscles with garlic and lemon sauce

Simple Pasta


:D umorder kaming sobrang dami haha at na satisfied nmn kami

ito ang ilang mga larawan sa aming date ngayong araw,




Sunday, January 2, 2011

Nakakapagod ..

Maganda ang mag hapon ngayong araw naito
nagising ako ng 10am, nag mamadali akong pumunta ng fcm para mag papalit ng pera
bumili din ako ng bago kong pc ngayon di sya ang dream pc nmin pero ok na ito kahit papano atleast makakapag laro na ako ulit ng final fantasy XIV,

Installing Windows 7 Expanding at 99%

Motherboard driver

Ati Radeon VGA driver
Central Preprocessing Unit
Enjoying ice cold coke zero while doing the installation
Intex Mouse, Keyboard Speaker and Monitor

di kasi kaya ng laptop ko ang mga games na nilalaro ko, shared grafix lang kasi eh, happy nmn ako sa result ng nabili kong laptop maganda nmn ang kanyang keyboard at pangit nga lang ang mouse,

Ikaw kamusta ang mag hapon mo?

Saturday, January 1, 2011

New Years resolution

Yearly, lagi nlng tayo nag sasabi na next year hindi na mauulit ang mga bagay na pangit na ng yari nung last year pero still ndi mo padn nmn masasabi kung ganun padin ang mga mang yayar sa buhay mo,

Sa ating mga pilipino kaugalian na ang mag set ng newyears resolution, na hindi nmn natin tinutupad ang karamihan :D hahaha

Believe it or not ako may newyears resolution nung papasok palang ang taong 2010 sabi ko promise hindi na ako maiinis ng basta basta at hindi na ako magiging iyakin, hindi na din ako magiging maramdamin at mag papapayat na ako ulit :D *hahaha* Sa resolution kong yan, wala man lang akong natupad, hindi nmn sa wala akong isang salita pero mahirap kasi baguhin talaga kung anu ka na dati pa :D, ako kasi maramdamin tlga ako kahit nung lumalaki palang ako, ayaw ko ng napapagalitan ako kasi iniisip ko magdamag at mag hapon hangang sa bago ko matulog iiyakan ko pa,

Ngayong taon wala akong newyears resolution :D ahaha nahihiya na kasi ako sa sarili ko baka mag fail n nmn ako :D atleast kung may mabago man sakin :D nabago yun kasi hindi ko pinilit ang sarili kong sumunod sa newyears resolution ko :D

:D

HAPPY NEWYEAR

tadaaaaaaaaa...
buhay na ulit ako, manigong bagong taon sa inyong lahat,
syempre nakalimutan ko ang password ko sa blogspot kaya matagal ako ndi
nkapag update,

well any ways nandito na ako ulit :D

Mag thank you muna ako sa kay Allah sa masayang taon na lumipas
at sa panimula ng taon salamat sa asawa ko :D si hasan, sa kanyang napakagandang
regalo sakin


Camera tripod
Lense Cover, and body cover

Nikon D3000 :D


YES!! Dream cometrue ang magkaron ng isang Digital SLR camera Nikon d300
sobrang saya ko kahit late na ako nagising para tignan ang regalo nya sakin hahaha

masyado akong excited kaya nag try na ako mag picture picture :D